Vennisjean’s Weblog

October 28, 2007

To my Butiki

Filed under: Uncategorized — vennisjean @ 11:58 pm

Last year pa tayo magkakilala. Nasa Davao ka nasa Tagum naman ako. Nagkakilala tayo dahil pareho tayo ng tambayan sa MIRc Dalnet, channel dvo pa yun diba (opo sa mirc ko nakilala ang aking butiki,di kasi ako mahilig sa YM at mas marami akong kakilalang chatter doon)? Nag-pm ka sa akin dahil tahimik ang chatroom noon, tayo lang yata ang gising ng alas 3 ng madaling araw at nang nalaman mong taga Tagum ako sinabi mo ring taga dito ka, hahay, magkapitbahay pa ang mga eskwelahan natin nung college dito. Nagpresenta kang ayusin ang lay-out ng friendster ko pero binawi ko ang pagpayag ko dahil nagalit at pinagselosan ka ng bf kong tabachoy noong panahong yun. May gf ka rin noon. Hindi kita chatbuddy kaya di mo rin ako nakita on cam sa ym.

March this year, naghiwalay na kami ni tabachoy. Nagpyesta ang buong DVO channel noong nalaman nila na sa wakas hiwalay na kami ng bf ko… ang dami kasing ayaw sa kanya kasi kahit walang kwentang bagay pinagseselosan nya at nagsasalita agad ng masasakit sa akin, ang laki ng ipinayat ko nung kami pa ng baboy na yun. Kaya ayun…balik online na naman ako sa MIRc kahit abutin pa ako ng madaling araw. Pero gaya ng dati di pa rin ako nag-ppm sa mga di ko kilala. Nasa main channel tayo noon, bored, walang magawa kundi magkwentuhan ng walang sense. Biglang pasok c “wakwak” ang ungas na si Vladimer na walang ginawa kundi pagnasahan ang alindog ko (bwahahahaha, kapitbahay ng shop ko ang opisina nila.) bigla kang nag-pm sa akin at sinabi mong ^_VamPirE_^(yan kasi ang online nick ko) tawagin mo akong babe,para maasar si wakwak” … sinakyan ko naman ang pagprepretend natin na yun…never did it enter my mind na yun na pala ang simula ng love story natin.

Tinatapos mo pala ang thesis mo ng panahong yun. Ako naman busy sa pag-aasikaso sa pagdating ng fiance ng kapatid ko. Nawala ako online.wala kang ginawa kundi kulitin ang mga online sis ko about me, nandyan pang magpapatulong ka para mapasagot ako. Nakakatawa ang estilo mo ng panliligaw sa akin. Di pa man kita sinasagot Babe na tawag mo sa akin. Panay landi mo sa akin sa text. Pero at least di mo ako minamanyak sa mga messages mo. Makulit na cute ang hirit mo sa text mo. panay I love you mo, di pa man kita sinasagot.

April, medyo natagalan bago ako nakapag-online uli…andun ka ikaw na naman ang kausap ko ng madaling araw na yun…nangumusta ka at habang nag-uusap tayo binabasa koang mga emails ng mga online sis ko about sayo sa friendster ko. Natatawa ako sa mga sinasabi mo sa kanila about me. Di ko alam naging stalker pala kita…pati mga picture ko sa friendster dinekwat mo at nilagay sa account mo sabay sulat ng “Dreamgirl” sa caption ng picture ko. Lumapad ang atay ko ng nakita ko ginawa mo. I know corny yun pero mula nang nakilala kita di pa ko nakakita ng picture ng babae sa page mo(at di ko pa rin nakikita ang hitsura mo dahil wala kang picture doon!).

April 17, 11 pm, nagpapalipad hangin ka pa rin, nagpapacute sa chat natin, nagrequest ka na magpakita ako. Nashock ka ng nakita mo si ^_VamPirE_^ on cam….nainlab ka sa akin lalo noh?(Aminin!) Pero di ka nagpakita sa akin. Naawa nko sayo kasi may thesis defense ka pa kinaumagahan ng April 18, tapos wala kang tulog kasi sabi ko di pa ako inaantok, di mo naman ako kayang iwanan (charot…iba talaga style mo!), kaya alas dos ng madaling araw ibinigay ko sayo ang binukayo kong OO, yes my dear butiki… napasagot mo rin ako. At gaya ng sabi mo, swerte ako sayo, pumasa ang thesis mo.

Inimbita mo ko sa graduation mo,nahiya ako at sinabi kong may lagnat ako,pero ang totoo nun habang nagmamartsa ka naa mall ako nagsusukat ng high heels na isusuot sa kasal ng kaibigan ko. Pagkatapos ng graduation mo inaya mo na naman akong sumama sa family reunion niyo, sinabi kong may trangkaso ako (ang galing ko mag-alibi). Pero ang totoo ayoko pumunta sa ganun na di ko pa nakikita ang hitsura mo.

Umuwi ka na ng tagum,kinulit kiyta na magkita tayo pumayag ka,kaya nagkataon inutusan ako ni Mama magrocery sabi ko magkita tayo sa foodcourt.Pohteks! dalawang 12oz na baso ng iced tea ang nainom ko pero di ka pa lumalapit sa akin! Panay text lang tayo…pero di ko rin masabi sayo na lapitan mo na ako. inabot ng isang oras na palitan ng text kaya umuwi na lang ako na di ko man lang nakilala kahit dulo ng buhok mo.Nagtext ka uli,sabi mo ingat ako pag-uwi ko at ang ganda ko, kaya nahiya kang lapitan ako.(humaba ng 2 inches ang buhok ko sa text mo na yun kaya kahit pinagtaguan mo ako okay lang napatawad agad kita.)

But, love moves in mysterious ways, ang kaibigan ko kasama mo pala sa trabaho,kaya wala ka ng nagawa nung nakita mo ako. OO aaminin ko, di ikaw ang dreamguy ko… gusto ko ng macho gwapito, tisoy, maputi, matangkad. At ng nakita kita alam ko…wala sayo ang mga qualities na yun. But there is something in you na sayo ko lang nakita sa lahat ng nakarelasyon ko… Sabi nga ni Ryan ang pungat daw ng mata mo habang nakatingin ka sa akin (tama naman siya pakiramdam ko ako’y diyosa habang nag-uusap tayo.) Nang pauwi na ako we shaked each others’ hands… gosh ang lamig ng kamay mo!(napakainit pa naman noon kasi walang aircon dahil brown-out!).

Pagdating ko nang bahay i got a text from you…”Mahal ko,id understand kung hihiwalayan mo na ako after mo ko nakita, but know that since una pa kitang nakita sa chat inlove nako sa iyo” Doon ko nalaman na kaya pala ayaw mo makita kita dahil may takot ka na di ko matanggap kung ano ka. OO di ka kasing gwapo ni Brad Pitt, pero mahal mo naman ako. After that first meeting nagdate tayo.At nagdate pa ng maraming beses. Inabot tayo ng 3months sa pagiging mag-jowa bago ka humawak sa kamay ko.(kasi sabi mo takot ka sa baka sapakin kita at isipin kong napakapresko mo pag bigla kang nanghawak ng kamay ko.) You made me fall for you over again.

Mahal ko, i may not say it as often as you do, but i do love you, and I am thankful that you came into my shattered life. Thanks for giving me a reason to smile again,to dream again and to love again. The world could give me a hundred Brad Pitt, pero never, as in never kitang ipagpapalit sa kanya, kasi in you I found my hearts’ home.

Kaya to you Mahal Ko whatever happens you will always be the only man I’d love this way. You will always be my one and only Butiki(PROMISE)!

I’ve been tagged!

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 12:56 pm

sa loob ng isang buwan na pagba-blog… nakaranas na akong ma-TAG! (Sa wakas!hehehehe!)At walang iba kundi ang reyna ng nossebleed na si Malen ang nagtag sa akin ha!(taray!) So here it is….

7 truths about ME:

  1. 5’1″ lang ang height ko. Kaya nagsusuot ako ng heels pag may mga lakad ako para lang di mahalata kung gaano ka-kyut ang kagandahan ko. Madalas akong tawaging tilapia sa probinsya namin noon dahil mukhang bibig ng tilapia daw ang bibig ko dahil makapal. Pero ngayon di na yun cause of insecurity,dahil sexy daw ang lips ko sabi nila (basta sila na nagsabi nun ^___^). Sabi nga ng aking butiki ay seductive daw ang aking mala-Angelina Jolie full lips (mahal talaga ako ng aking butiki!)
  2. Kinailangan akong ilublob ng trainor kong mhen sa isang drum ng tubig araw-araw sa loob ng dalawang buwan para lang maayos ang boses ko at makakuha ako ng lisensya at makapasa sa TESDA.(wala na siyang ibang maisip na paraan para mawala ang palaka sa lalamunan ko!)
  3. Mahilig ako magluto. Kahit sa shop namin ang opisina ko ay hindi talaga opisina sa loob. May rice cooker,electric stove,maliit na oven at microwave. May stock ako ng arina, asukal, baking powder, baking soda,vanilla, cinnamon at kung anu-ano pa na magagamit ko para magluto ng pagkain sa shop pag umandar ang hilig ko maghalo-halo ng kung anu-anong recipe na nakikita ko sa net.
  4. Naniniwala akong the easiest way to a man’s heart is through his stomach. I feed my man! Halos lahat ng naging jowa ko ay tumataba habang ako ang girlet nila. Pero ang current papa ko na si butiki ay di pa yata tumataba sa loob ng anim na buwan kong pagpapalamon sa kanya (my number one frustration ‘to ngayon!)
  5. Adik ako sa mga seksing sapatos (high heels,sandals,boots) wag lang maryjanes at ballet shoes(pakiramdam ko ang pandak ko kapag nagsusukat ako ng ganun!). Ayokong lumalakad na nakasuot ng havaianas, di ko masikmurang pumunta ng mall na nakasuot ng tsinelas na mukhang galing sa banyo.
  6. Ayoko magsuot ng kahit anong kulay pink. Hindi ako sumali sa Junior-Senior Prom noong high school pa ako dahil ayoko magsuot ng gown na pink.
  7. Matigas ang ulo ko,di ako masunurin sa Mama at papa ko…pero ngayon…well…ngayon…. ganun pa rin ako! Pero mabait na ako ngayon sabi ng tatay ko, di ko pa sila nabibigyyan ng major sakit ng ulo.

Ayan! Yan ang pitong bagay na totoo sa akin. Di na muna ako magta-tag pero libre ang lahat na sagutin ang Meme na’to na imported galing sa Reyna ng Nosebleed na si Malen.

October 26, 2007

Sexy

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 9:12 pm

What is sexy? What defines it? The Oxford Dictionary defines the word SEXY as:
adj.
1. sexually attractive or exciting
2. sexually aroused

And…here’s what i find sexy :visuals, images, thoughts, ideals…. halo-halo na to…. medyo simple hanggang sa di gaanong wholesome….. we’re sexual beings afterall….

– intelligence
– wit
– humor
– confidence
– a great smile
– red roses
– silk
– lighted candles… lots of them na amoy roses pa rin
– a woman wearing an oversized white men’s button down shirt… and little else (think Angelina Jolie in Mr. and Mrs. Smith)
– foreplay (here’s the thing: the “act” is a means to an end, but the prelude! Oh, sweet prelude… it had better knock my socks off!)
– kissing (from sweet little pecks to passionate explorations… on the lips and mouth… cheeks… jawline… ears… collarbone… supersternal notch… the bare nape of the neck… the back, from top to bottom… arms… hands… fingers… chest… breasts… stomach… legs… thighs… feet.., kissing is good… goosebumply good)
– kissing in the rain… or indoors while it’s raining
– a good back rub or foot massage, given preferably by a lover
– that certain “look in the eyes”(yun bang tingin pa lang natutunaw na ang tuhod mo)
– cleavage (yes I am a heterosexual woman, but I am one that appreciates beauty wherever I find it, male or female. I have just been turned onto the beauty of a woman’s cleavage, and truly enjoy it when I see one)
– Angelina Jolie (oh… my… God…sexy nya habang nakasuot ng shirt ni Brad Pitt sa Mr. & Mrs. Smith!))
– a candlelight dinner
– an active fireplace, or a bonfire(nakaupo kami sa harap ng apoy habang nakatalukbong lang ng kumot!)
– a long, hot shower and how you smell coming out of one
– a guy who can play a mean guitar
– my lover’s scent on my clothes
– creative uses for fruit (strawberries and cherries… yum…kayo na mag-isip paano magiging creative yun okay?))
– sexy, suggestive sweet-nothings whispered in the ear…
– taking one’s time… or rushing… depending on how you feel that day
– being naked
– falling asleep in the embrace of the one you love

October 25, 2007

Being Happy

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 2:12 pm

Being happy can be very easy for some people….and very hard for others… para siyang isang napakalaking misteryo na biglang darating…

To some people being happy means getting the position they’ve always wanted, a new house, a new car, jewelries.lots of money in the bank, being able to buy everything they want…nagiging materialistic na kumbaga… Who can blame them? Sa hirap ng buhay ngayon people tend to equate happiness with what they’ve got and what they can afford to have.

Being happy for me is easy. Eating the food that my mom prepares during our meals, having my Papa praise a cake I baked (kahit alam kong di pa eto perpekto), playing RAN Online with my friends, playing with make-ups with my younger sister…or chasing my dogs playfully at our yard when I’m not at work.

I am also happier now with my work, unlike a few years back that I got an 8 to 5 job where i almost pull all my hair off following orders from a conceited bald guy who thinks that he is a 100% ladies man, and that being my boss gives him the right him to treat me like an all-around alila. All the years of living frugally and saving all I’ve earned is already slowly paying back. And I’m looking forward to spending more hours teaching this coming semester… it seems my students from the elective class gave positive feedbacks on me during the teachers’ evaluation before the semester ended and my bf said that the school administration is planning to hire me not just for their Saturday elective classes.

Lastly, things are getting better for me and my current boyfriend. We just celebrated our 7th month as a couple and although I’m not a perfect gf, he says that I’m more than enough for him. Yah, I’m still kinda phobic when it comes to getting married, but being with him, talking with him, exchanging text messages when we’re apart even a little smile before we start teaching is enough to make me realize how lucky I am.

As my former Philosophy instructor in college used to say “Happiness is just a state of mind,unless you keep asking for more than you have, you will never be truly happy, and when you never felt any happiness in your heart, you aren’t alive yet.”

October 22, 2007

F-ugly Duckling

Filed under: Uncategorized — Tags: — vennisjean @ 10:07 am

PANGIT!

That is the first word na nadinig ko mula sa mga kamag-anak naming tsismosa sa probinsya ng nanay ko. And that word is so horrible to bear at the age of 10.

I’m not beautiful when I was a kid, baby-china ang buhok kong maitim na unat, may bangs pa na halos takpan ang kalahati ng pagmumukha ko. Maliit ako, maputi na maputla (kasi naman anaemic ako), payatot, malaki ang bilugang mata ko at makapal ang labi, ang dami ko pang peklat sa legs ko.

I may not be beautiful like my younger sister (majorette kasi siya since elementary hanggang high school)…so I had to make up with my looks using my brains. Hala since pangit ako noong panahong ‘yun kaya sa bahay at library ako nagbababad…ayoko makipaglaro sa ibang bata kasi kapag natatalo ko sila sisigawan lang nila akong pangit and that hurts a lot.

I left my moms’ province when I was in High school, nakakuha kasi ako ng scholarsip sa Surigao noon. In Surigao I learned that I am kinda pretty naman pala. Kinuha akong maging CAT Sponsor (mataas pa ang rank ko!), I joined quiz bees and even a few beauty contests…my friends and even my schoolmates would often admire my fair complexion na kahit ilang oras ako magbabad sa init ng araw kakaligo sa dagat hindi ako nangingitim…namumula lang ako.. I follewed what my friends said about letting my hair grow long so I can style it better. I even had a few suitors. So, naisip ko di pala ako pangit. Then I went to college in Davao City, where I joined the Teatro and even played some lead roles for our productions…My time in Surigao and Davao built my self-esteem and eventually naintindihan ko ang dahilan ng masasakit na salita ng mga kamag-anak ko sa side ni mama ko.

I went hone to Sagayen last October 7, fiesta kasi dun and nangungulit ang lola at mga kapatid ni mama na umuwi kami dun. Iniisip ko pa kung tama nga bang umuwi ako…but, ano ba ang mawawala sa akin pag umuwi ako?wala naman diba? Nahuli akong dumating kina mama kasi na-flat ang gulong ng motor ko,kailangan ko munang magpa-vulcanize ng gulong.

Pagdating ko sa bahay ng lola ko,nandun ang mga pinsan ni mama na walang ginawa kundi mag-chismis mula pa pagkabata ko,tumigil sila lahat at tiningnan ako…hehehe nakatago kasi ang mukha ko sa helmet ko,nakajacket ako ng makapal kasi sobrang init at alikabok papunta sa Sagayen. Pagtanggal ko ng helmet ko napatanga sila. Pero dinaanan ko lang sila,di ko pinansin,derecho ako sa loob ng bahay. “Kagwapa ba sa akong apo!” (Ang ganda ng apo ko!) Yan ang bungad ni lola sa akin…hehehehe,gumanda din pala ako, sa wakas.

My Tita (sister ng Mama ko) said to me nung umalis na ang mga tsismosa that afternoon “Vem ‘wag mo pansinin sila Loida, kaya ganun sila kasi insecure sila sa inyo lalo na sa iyo, mga bobo kasi mga anak nila, lalo na nung nag-aral ka ng college lalo silang nainsecure sayo…ganun ang mga taong mahilig mainggit sisiraan ka para ka bumagsak.”

Well…sorry for them… ang pangit noon gumanda daw ngayon… mabuti na lang I didn’t let them destroy me.

October 17, 2007

I shouldn’t be feeling this….

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 8:44 am

I haven’t seen you for the past three years…when I left i was still the immature, hard-headed Vennis na walang ginawa kundi pasakitin ang ulo mo. Good riddance diba? Parang “Good umalis na ang loka-loka mabubuhay na uli ako ng tahimik”. But when I came back you were still there, you welcomed me back into your life and took me into your heart again. Then, I left again without even the decency of saying goodbye.

After a year of leaving you for the second time, I heard na umalis ka rin daw… that you wanted to move on and forget me. I felt a little stab of pain in my heart… alam ko I never gave you even a quarter of what you gave to me… I was a poor investment for your love… But you still gave it all that you’ve got. I know I’ve hurt you and I was never the kind to say sorry even if I were wrong.

I came back, got on with my life…fell in and out of love…I’ve forgotten you.

Then, after three years, you’re here again… I never expected seeing you again. Tumaba ka. Di na ikaw ang patpating matangkad na nakilala ko noong college, na palaging may hawak na gitara at kumakanta ng mga kanta ng BREAD pag magkatabi tayo. You’ve changed. Nagkamasel na ang payat na braso mo, lalo kang tumangkad at lalong gumanda ang ngiti mo na siya kong unang napansin noong college nang nakipagkilala ako sayo (yes ako ang lumapit at nakipagkilala sa kanya noon!).

Kung alam ko lang na nandito ka na at kakain ka ng pizza sa Greenwich kahapon (wala kasing ibang pizza shop dito sa Tagum), di na sana ako kumain dun. Kung alam ko lang na makikiupo ka sa mesa ko, sana di nko nag dine-in dun. I never expected seeing you again, nor did I expect to be close to you again. Gosh! After all these years bigla mong winindang ang puso ko. And I shouldn’t be feeling this anymore, I should never feel anything about you anymore.

October 5, 2007

My Kind of Man….

Filed under: unmarried — Tags: , , — vennisjean @ 11:20 am

Being single at my age often sparks a topic for conversation among my friends….isipin mo naman sila may mga asawa na…may kanya-kanyang pamilya…naging ninang na ko ng mga anak nila….and yet…am still here…single…halos paiba-iba ng mukhang bitbit on every occasion that I attend.

Si Sharon isa sa mga kaibigan ko na pinakaunang nag-asawa at magka chikiting ang madalas magtanong sa akin…this was what she asked me yesterday nung nagpunta ako sa blessing ng bahay nila ng hubby niya siyempre bitbit ang aking jowa of 6 months….

“Venz ano ba gusto mo sa lalaki at di ka pa nag-aasawa?”(itanong ba namna yan sa harap ng bf ko na panay na pangungulit na magpakasal next year!)

“OO nga….pakiramdam ko tuloy di ka seryoso sa akin kasi pag kasal na topic ko ang bilis mo makaliko ng linya!”(sarap sapakin ng jowa kong napakakulit!)…pabirong singit ng loko pero alam ko sa tingn pa lang niya sa akin na gusto niyang sagutin ko ang tanong na yun ni Sharon…

Napaisip ako…this past years I admit nakikipagrelasyon lang ako for the sake of having a bf…but I’ve never totally commited myself to any of them…kaya ayun naghihiwalay in the end…..Habang nag-iisip ako tahimik naman sila lahat…para bang napakaimportante ng isasagot ko sa tanong na yun.

Sa edad ko at mga nagawa ko na….siguro nasa posisyon na ako para tanungin ang isang lalaki kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin di ba? I can pay my own bills…I can buy what I like….pero ano ba ang kaya mong ibigay sa akin?

Tumitig si jowa sa akin at sinagot ako, “May magandang trabaho ako…I can provide for you.” Sa sagot na yun tumango ang iba pang nakikinig sa amin, na para bang sinasabi sa akin na …oo nga ano pa hinahanap mo?

Hmmm….mali na yata interpretation nila sa sagot ko ah… “OO alam ko…financial stability ang isa sa pinakaimportante sa buhay ngayon,but I already have that…di kami mayaman pero I can live comfortably…what i mean to say is what have you got to offer me aside from money?”

“Gusto ko ng lalaking may laman ang utak, yun bang kahit umabot pa sa kung saan-saang lupalop ang pinag-uusapan namin ay kaya nya akong sabayan…Isang taong may paniniwala sa relihiyon,dahil mahina ako doon,ang isang mahina ang pananampalataya paparesan mo isang ganun din ay walang magandang maipapamulat sa magiging anak nila diba?”

“Gusto ko ng isang lalaki na may kakayanan financialy…ayoko maging pabigat siya sa akin at sa magiging pamilya namin…ayokong mamulat ang mga magiging anak namin na palamunin ng nanay nila ang tatay nila.”

“Gusto ko ng isang lalaki na kaya akong irespeto bilang ako,bilang isang babae. Isang lalaki na irerespeto ko rin, dahil hindi ko maibibigay ang aking sarili sa isang tao na wala akong respeto sa kanyang pagkatao…isang lalaki na kayang tumindig sa kanyang sarili…isang lalaki na kayang panagutan ang lahat ng kanyang ginawa… for me to submit to any man ,he himselff must be worthy of my submission.”

“Ang dami mo namang hinihingi Sis!” nasabi lang ng isang kaibigan ko na ikinasal last April sa isang Canadian.

“OO nga Ven you’re asking a lot!” singit ni Rupert asawa ni Sharon habang nakatingin sa jowa ko…

Tinitigan ko lang ang aking bf…..alam niya kung alin dun sa mga sinabi ko ang meron siya at kung alin dun ang may mga kulang pa….

“Yes Pert…it may sound too much…but it can only be too much if he doesn’t think I’m worth it diba?” sagot kong nakangiti at nakita ko ring ngumiti ang taong mahal ko ngayon sa sagot ko na yun.

October 2, 2007

Go to Hell!

Filed under: asar — Tags: — vennisjean @ 10:11 am

    Its’ been 7 going to 8 months since naghiwalay tayo…ang dami mong masakit na sinabi…pati sa pag o-online ko sa MIRc andun ka pero kunwari deadma mo ako…pero ang dami mong satsat na mali-mali naman! Galit na galit ako sa’yo that time…gusto kong burahin ang mataba mong mukha sa mundong ito para mabawasan ang basura ng Pilipinas…mga basurang kagaya mo!

After 7 months bigla kang babalik…mula sa kunwaring pananahimik mo! bigla na lang akong gigisingin ng ‘tangnang text mo tapos sasabihin mong namimiss mo ako…namimiss mo ang pinagsamahan natin!Gago ka pala eh! Ano akala mo sa akin? Tatanga-tanga tulda nung tayo pa? Na kahit ano sabihin mo maniniwala ako? ‘Tangna mo! Bulag at tanga ako dati…pero di na ngayon…kahit maubos pa load mo kakatext na magbalikan na tayo di nko babalik sa impyernong pinanggalingan ko noong tayo pa. Ang kapal pa ng apog mo para sabihing pag naghiwalay kami ng jowa ko andyan ka para saluhin ako?! ****syet mo!

Ang dami mong sinira noong tayo pa…. sinira mo ang pagkatao ko, ang mga paniniwala ko, pati ang tiwala ko sa sarili ko…tapos ngayon sasabihin mo nasabi mo ang mga bagay na ‘yun kasi gulo ang isip mo at asar ka sa akin? Ano ka abnormal wala sa matinong pag-iisip? 26 anyos ka nung sinabi mo ang mga ‘yon! Wag ka na maghugas ng kamay mo!

Tigilan mo na ang pambubulahaw mo…wag mo na isali sa pag text ang jowa ko at sasabihin mo sa kanya na ikaw ang mahal ko at panakip-butas ko lang siya…o mga kaibigan ko para tulungan kang magkabalikan tayo…sabi mo pa sa kanila mahal mo ako? Ulol! isa lang ang kaya mong mahalin! Ang mataba mong sarili na walang ginawa kundi magpakasasa sa pinaghirapan ng magulang mo! Ang kapal ng balat mo!

October 1, 2007

BIR…income tax (na naman!)

Filed under: responsibilidad — Tags: , , — vennisjean @ 9:52 am

Alas otso na ko ng umaga nagising kanina…sa shop ako natulog eh.pagdating ng papa ko una niyang sinabi…”andaming tao sa City Hall nak…ano kaya meron…”sabi ko baka kumukuha pa ng Comelec ID!

Pero pinaalala sa akin ni Junry na may taxes ako…wah!!!!!tax na naman! Quarterly nga pala ang dapat pagbabayad ko ng buwis sa gobyerno!Kaya ayun, nagmamadali akong naligo at pumila sa BIR!!! Imbyernang walang kapantay!!!ang haba ng pila…well good sign siguro yun na walang mga nagtatago sa responsibilidad nila sa gobyerno…kakaimbyerna lang…sa laki ng taxes ko ang haba ng pipilahin at pagkainit-init pa, walang maupuan, ang tax evaluator ay mukhang di yata naliligo sa kakintaban ng mukha nyang nakasimangot, sino ang gaganahang pumila niyan!!!inaapakan pa ang paa ko na bagong pedicure ng aleng akala mo donya kung mamulaklak sa lahas na suot (halatang fake…sana singilin cya ng mas malaki ng BIR!!!…jewelry tax?!?!) napakabuaraot naman ng dating! Grrr….asar nko…to d highest level ng pagka-asar!

Kaya ayun, balik shop ako,nagpalit ng t-shirt at humiga….pamparelax after ko inumin ang isang buong pitsel ng malamig na tubig! responsibilidad ko magbayad ng buwis apat na beses sa isang taon…. di ko nakakalimutan yun…pero sa ngayon asar pa ko…kaya walk-out muna ako…bukas o sa susunod na araw nko babalik dun pag wala na yung aleng mang-aapak ng paa ko,pag nakapag pulbo na ang tax evaluator… sana lang next day lagyan na nila kahit bench sa pilahan…sasakit lalo paa ko kakatayo at kakapila ang init pa naman! wala akong plano madehydrate lalo na magka-varicose.

Sa lahat ng gaya ko na nandyan….October 1 na po wag po kalimutan na ngayon ang first day ng tax filing at hanggang October 20 lang po eto.

Create a free website or blog at WordPress.com.