Vennisjean’s Weblog

October 28, 2007

I’ve been tagged!

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 12:56 pm

sa loob ng isang buwan na pagba-blog… nakaranas na akong ma-TAG! (Sa wakas!hehehehe!)At walang iba kundi ang reyna ng nossebleed na si Malen ang nagtag sa akin ha!(taray!) So here it is….

7 truths about ME:

  1. 5’1″ lang ang height ko. Kaya nagsusuot ako ng heels pag may mga lakad ako para lang di mahalata kung gaano ka-kyut ang kagandahan ko. Madalas akong tawaging tilapia sa probinsya namin noon dahil mukhang bibig ng tilapia daw ang bibig ko dahil makapal. Pero ngayon di na yun cause of insecurity,dahil sexy daw ang lips ko sabi nila (basta sila na nagsabi nun ^___^). Sabi nga ng aking butiki ay seductive daw ang aking mala-Angelina Jolie full lips (mahal talaga ako ng aking butiki!)
  2. Kinailangan akong ilublob ng trainor kong mhen sa isang drum ng tubig araw-araw sa loob ng dalawang buwan para lang maayos ang boses ko at makakuha ako ng lisensya at makapasa sa TESDA.(wala na siyang ibang maisip na paraan para mawala ang palaka sa lalamunan ko!)
  3. Mahilig ako magluto. Kahit sa shop namin ang opisina ko ay hindi talaga opisina sa loob. May rice cooker,electric stove,maliit na oven at microwave. May stock ako ng arina, asukal, baking powder, baking soda,vanilla, cinnamon at kung anu-ano pa na magagamit ko para magluto ng pagkain sa shop pag umandar ang hilig ko maghalo-halo ng kung anu-anong recipe na nakikita ko sa net.
  4. Naniniwala akong the easiest way to a man’s heart is through his stomach. I feed my man! Halos lahat ng naging jowa ko ay tumataba habang ako ang girlet nila. Pero ang current papa ko na si butiki ay di pa yata tumataba sa loob ng anim na buwan kong pagpapalamon sa kanya (my number one frustration ‘to ngayon!)
  5. Adik ako sa mga seksing sapatos (high heels,sandals,boots) wag lang maryjanes at ballet shoes(pakiramdam ko ang pandak ko kapag nagsusukat ako ng ganun!). Ayokong lumalakad na nakasuot ng havaianas, di ko masikmurang pumunta ng mall na nakasuot ng tsinelas na mukhang galing sa banyo.
  6. Ayoko magsuot ng kahit anong kulay pink. Hindi ako sumali sa Junior-Senior Prom noong high school pa ako dahil ayoko magsuot ng gown na pink.
  7. Matigas ang ulo ko,di ako masunurin sa Mama at papa ko…pero ngayon…well…ngayon…. ganun pa rin ako! Pero mabait na ako ngayon sabi ng tatay ko, di ko pa sila nabibigyyan ng major sakit ng ulo.

Ayan! Yan ang pitong bagay na totoo sa akin. Di na muna ako magta-tag pero libre ang lahat na sagutin ang Meme na’to na imported galing sa Reyna ng Nosebleed na si Malen.

Advertisements

2 Comments »

  1. ei tilapia! ayosss…haha. na enjoy ko ang post mo. lol. havaianas? masyado yatang mahal yun para sa banyo no…haha…HAVANAS LANG ANG GAMIT KO 80P lang!!!

    Comment by chuvaness — October 28, 2007 @ 6:53 pm

  2. chuvaness yun nga eh…ang mahal…may nagbebenta na nun dito sa NCCC Mall(plugging!lol!),pohteks ang mahal niya pero mukhang tsinelas pa rin.salamat sa pag-tag.

    Comment by vennisjean — October 28, 2007 @ 8:14 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: