Vennisjean’s Weblog

September 1, 2008

The other woman II

Filed under: unmarried — Tags: — vennisjean @ 9:18 pm

It may sound stupid…..I know…never in my wildest dreams did it ever occur to me that I would be playing this part in any mans’ life….my strict upbringing didn’t open my mind to the though of being another mans’ mistress. but, here I am…the other woman…

I am in a relationship with a man who is committed to another woman…and that woman is a friend…. I know it is wrong… but cliche’ as it sounds but though I know it is wrong it feels so right…

October 5, 2007

My Kind of Man….

Filed under: unmarried — Tags: , , — vennisjean @ 11:20 am

Being single at my age often sparks a topic for conversation among my friends….isipin mo naman sila may mga asawa na…may kanya-kanyang pamilya…naging ninang na ko ng mga anak nila….and yet…am still here…single…halos paiba-iba ng mukhang bitbit on every occasion that I attend.

Si Sharon isa sa mga kaibigan ko na pinakaunang nag-asawa at magka chikiting ang madalas magtanong sa akin…this was what she asked me yesterday nung nagpunta ako sa blessing ng bahay nila ng hubby niya siyempre bitbit ang aking jowa of 6 months….

“Venz ano ba gusto mo sa lalaki at di ka pa nag-aasawa?”(itanong ba namna yan sa harap ng bf ko na panay na pangungulit na magpakasal next year!)

“OO nga….pakiramdam ko tuloy di ka seryoso sa akin kasi pag kasal na topic ko ang bilis mo makaliko ng linya!”(sarap sapakin ng jowa kong napakakulit!)…pabirong singit ng loko pero alam ko sa tingn pa lang niya sa akin na gusto niyang sagutin ko ang tanong na yun ni Sharon…

Napaisip ako…this past years I admit nakikipagrelasyon lang ako for the sake of having a bf…but I’ve never totally commited myself to any of them…kaya ayun naghihiwalay in the end…..Habang nag-iisip ako tahimik naman sila lahat…para bang napakaimportante ng isasagot ko sa tanong na yun.

Sa edad ko at mga nagawa ko na….siguro nasa posisyon na ako para tanungin ang isang lalaki kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin di ba? I can pay my own bills…I can buy what I like….pero ano ba ang kaya mong ibigay sa akin?

Tumitig si jowa sa akin at sinagot ako, “May magandang trabaho ako…I can provide for you.” Sa sagot na yun tumango ang iba pang nakikinig sa amin, na para bang sinasabi sa akin na …oo nga ano pa hinahanap mo?

Hmmm….mali na yata interpretation nila sa sagot ko ah… “OO alam ko…financial stability ang isa sa pinakaimportante sa buhay ngayon,but I already have that…di kami mayaman pero I can live comfortably…what i mean to say is what have you got to offer me aside from money?”

“Gusto ko ng lalaking may laman ang utak, yun bang kahit umabot pa sa kung saan-saang lupalop ang pinag-uusapan namin ay kaya nya akong sabayan…Isang taong may paniniwala sa relihiyon,dahil mahina ako doon,ang isang mahina ang pananampalataya paparesan mo isang ganun din ay walang magandang maipapamulat sa magiging anak nila diba?”

“Gusto ko ng isang lalaki na may kakayanan financialy…ayoko maging pabigat siya sa akin at sa magiging pamilya namin…ayokong mamulat ang mga magiging anak namin na palamunin ng nanay nila ang tatay nila.”

“Gusto ko ng isang lalaki na kaya akong irespeto bilang ako,bilang isang babae. Isang lalaki na irerespeto ko rin, dahil hindi ko maibibigay ang aking sarili sa isang tao na wala akong respeto sa kanyang pagkatao…isang lalaki na kayang tumindig sa kanyang sarili…isang lalaki na kayang panagutan ang lahat ng kanyang ginawa… for me to submit to any man ,he himselff must be worthy of my submission.”

“Ang dami mo namang hinihingi Sis!” nasabi lang ng isang kaibigan ko na ikinasal last April sa isang Canadian.

“OO nga Ven you’re asking a lot!” singit ni Rupert asawa ni Sharon habang nakatingin sa jowa ko…

Tinitigan ko lang ang aking bf…..alam niya kung alin dun sa mga sinabi ko ang meron siya at kung alin dun ang may mga kulang pa….

“Yes Pert…it may sound too much…but it can only be too much if he doesn’t think I’m worth it diba?” sagot kong nakangiti at nakita ko ring ngumiti ang taong mahal ko ngayon sa sagot ko na yun.

September 26, 2007

Being Single…..

Filed under: unmarried — Tags: , — vennisjean @ 7:48 pm

First day ng Intrams TCIT ngayon…its a technical school here na kakabukas lang nung June…and marami akong kakilala dun…I was even hired para magturo ng ballroom dancing sa isang member ng board of directors nila.Di ako nagtuturo dun as a subject instructor…pero pinapapunta nila ako dun…since di naman busy eh di larga ako!It’s a fun school…dun pa ko nagpapadownload ng Naruto at Bleach anime na kina-aadikan ko…kakatamad kasi mag-DL eh!

Well…kaninang umaga ang start ng Intrams nila…ang aga pa lang nagtext na sila sakin na pumunta daw ako…pero di ako makapunta…skedyul ng pagluluto ko ng ulam for lunch namin…kakalungkot, kasiĀ  masaya daw sila.Pero at 4P.M. nagtxt uli ang kaibigan kong computer instructor nila sa kin…di daw mkapag film showing kasi walang audio ang pc nila…kelangan daw ng audio driver…pwede ba daw hiramin ang audio driver ko.,…hehehe….makakapunta yata talaga ako dun…

Seeing all those students wearing their department T-shirts made me feel happy and sad….happy kasi habang kinakausap nila ako nakikita ko sa kanila kanila kung ano kami noon…nung nasa edad pa nila kami…nung nasa college pa ako.We were so carefree then…masaya…we we’re always laughing at things that we did and thing that are embarrasing yet,ginagawa pa rin namin….But there’s a little fog of sadness….

Sad ako kasi naisip ko…Gosh!these kids are almost ten years younger than I am…I would have liked to be in their shoes…experience the carefree days of college…pero tapos na ako sa phase na ‘yun…Sad kasi naisip ko ang estado ko….whenever I fill out forms nakaindicate ang edad ko…p[ero nakaindicate din ang civil status ko….SINGLE! Nagmumurang single talaga…at tinitingnan agad ako ng sinumang babasa ng form na binigay ko…para bang sinasabing “kawawa naman ang babaeng ‘to…no doubt ang mga kaklase nya sa college may mga pamilya na….”(sad to say tama sila sa pag-iisip nilang yon.Ako na lang kasi ang natitirang single na babae sa batch ko.) Don’t get me wrong…alam ko na in our day and age acceptable na ang babaeng single sa edad ko…pero,karamihan sa atin lalo na dito sa probinsya ng pgkakaroon ng sariling pamilya ay parang trophy…sa mga alumni homecoming unang napapansin ang mga anak na bitbit nila..ang tindig at dating ng mga asawa nila….usap-usapan ang ikakasal,ikinasal at mga nagpapalanong ikasal. Sadly, I don’t belong to any of those….may jowa ko, pero mag jowa pa lang kami…he is enjoying his work now kasi kakasimula pa lang niya,and I’m not in a hurry na magpatali at palitan na ang apelyido ko….we talk about getting married…pero hindi pa ngayon and lalong not in the coming 2008.

Being single can be burden and a blessing…but…I’m enjoying myself, I’m having fun… and my partnr and I are enjoying our relationship…if it works out, then we’re lucky…pag naghiwalay kami at least we experienced how it was to have loved. Somehow, the way pople treats me when they see that I’m not yet married makes me wonder….”bakit parang sinumpa ng tingin nila sa akin?”

Blog at WordPress.com.