Vennisjean’s Weblog

October 1, 2007

BIR…income tax (na naman!)

Filed under: responsibilidad — Tags: , , — vennisjean @ 9:52 am

Alas otso na ko ng umaga nagising kanina…sa shop ako natulog eh.pagdating ng papa ko una niyang sinabi…”andaming tao sa City Hall nak…ano kaya meron…”sabi ko baka kumukuha pa ng Comelec ID!

Pero pinaalala sa akin ni Junry na may taxes ako…wah!!!!!tax na naman! Quarterly nga pala ang dapat pagbabayad ko ng buwis sa gobyerno!Kaya ayun, nagmamadali akong naligo at pumila sa BIR!!! Imbyernang walang kapantay!!!ang haba ng pila…well good sign siguro yun na walang mga nagtatago sa responsibilidad nila sa gobyerno…kakaimbyerna lang…sa laki ng taxes ko ang haba ng pipilahin at pagkainit-init pa, walang maupuan, ang tax evaluator ay mukhang di yata naliligo sa kakintaban ng mukha nyang nakasimangot, sino ang gaganahang pumila niyan!!!inaapakan pa ang paa ko na bagong pedicure ng aleng akala mo donya kung mamulaklak sa lahas na suot (halatang fake…sana singilin cya ng mas malaki ng BIR!!!…jewelry tax?!?!) napakabuaraot naman ng dating! Grrr….asar nko…to d highest level ng pagka-asar!

Kaya ayun, balik shop ako,nagpalit ng t-shirt at humiga….pamparelax after ko inumin ang isang buong pitsel ng malamig na tubig! responsibilidad ko magbayad ng buwis apat na beses sa isang taon…. di ko nakakalimutan yun…pero sa ngayon asar pa ko…kaya walk-out muna ako…bukas o sa susunod na araw nko babalik dun pag wala na yung aleng mang-aapak ng paa ko,pag nakapag pulbo na ang tax evaluator… sana lang next day lagyan na nila kahit bench sa pilahan…sasakit lalo paa ko kakatayo at kakapila ang init pa naman! wala akong plano madehydrate lalo na magka-varicose.

Sa lahat ng gaya ko na nandyan….October 1 na po wag po kalimutan na ngayon ang first day ng tax filing at hanggang October 20 lang po eto.

Create a free website or blog at WordPress.com.