Vennisjean’s Weblog

October 28, 2007

To my Butiki

Filed under: Uncategorized — vennisjean @ 11:58 pm

Last year pa tayo magkakilala. Nasa Davao ka nasa Tagum naman ako. Nagkakilala tayo dahil pareho tayo ng tambayan sa MIRc Dalnet, channel dvo pa yun diba (opo sa mirc ko nakilala ang aking butiki,di kasi ako mahilig sa YM at mas marami akong kakilalang chatter doon)? Nag-pm ka sa akin dahil tahimik ang chatroom noon, tayo lang yata ang gising ng alas 3 ng madaling araw at nang nalaman mong taga Tagum ako sinabi mo ring taga dito ka, hahay, magkapitbahay pa ang mga eskwelahan natin nung college dito. Nagpresenta kang ayusin ang lay-out ng friendster ko pero binawi ko ang pagpayag ko dahil nagalit at pinagselosan ka ng bf kong tabachoy noong panahong yun. May gf ka rin noon. Hindi kita chatbuddy kaya di mo rin ako nakita on cam sa ym.

March this year, naghiwalay na kami ni tabachoy. Nagpyesta ang buong DVO channel noong nalaman nila na sa wakas hiwalay na kami ng bf ko… ang dami kasing ayaw sa kanya kasi kahit walang kwentang bagay pinagseselosan nya at nagsasalita agad ng masasakit sa akin, ang laki ng ipinayat ko nung kami pa ng baboy na yun. Kaya ayun…balik online na naman ako sa MIRc kahit abutin pa ako ng madaling araw. Pero gaya ng dati di pa rin ako nag-ppm sa mga di ko kilala. Nasa main channel tayo noon, bored, walang magawa kundi magkwentuhan ng walang sense. Biglang pasok c “wakwak” ang ungas na si Vladimer na walang ginawa kundi pagnasahan ang alindog ko (bwahahahaha, kapitbahay ng shop ko ang opisina nila.) bigla kang nag-pm sa akin at sinabi mong ^_VamPirE_^(yan kasi ang online nick ko) tawagin mo akong babe,para maasar si wakwak” … sinakyan ko naman ang pagprepretend natin na yun…never did it enter my mind na yun na pala ang simula ng love story natin.

Tinatapos mo pala ang thesis mo ng panahong yun. Ako naman busy sa pag-aasikaso sa pagdating ng fiance ng kapatid ko. Nawala ako online.wala kang ginawa kundi kulitin ang mga online sis ko about me, nandyan pang magpapatulong ka para mapasagot ako. Nakakatawa ang estilo mo ng panliligaw sa akin. Di pa man kita sinasagot Babe na tawag mo sa akin. Panay landi mo sa akin sa text. Pero at least di mo ako minamanyak sa mga messages mo. Makulit na cute ang hirit mo sa text mo. panay I love you mo, di pa man kita sinasagot.

April, medyo natagalan bago ako nakapag-online uli…andun ka ikaw na naman ang kausap ko ng madaling araw na yun…nangumusta ka at habang nag-uusap tayo binabasa koang mga emails ng mga online sis ko about sayo sa friendster ko. Natatawa ako sa mga sinasabi mo sa kanila about me. Di ko alam naging stalker pala kita…pati mga picture ko sa friendster dinekwat mo at nilagay sa account mo sabay sulat ng “Dreamgirl” sa caption ng picture ko. Lumapad ang atay ko ng nakita ko ginawa mo. I know corny yun pero mula nang nakilala kita di pa ko nakakita ng picture ng babae sa page mo(at di ko pa rin nakikita ang hitsura mo dahil wala kang picture doon!).

April 17, 11 pm, nagpapalipad hangin ka pa rin, nagpapacute sa chat natin, nagrequest ka na magpakita ako. Nashock ka ng nakita mo si ^_VamPirE_^ on cam….nainlab ka sa akin lalo noh?(Aminin!) Pero di ka nagpakita sa akin. Naawa nko sayo kasi may thesis defense ka pa kinaumagahan ng April 18, tapos wala kang tulog kasi sabi ko di pa ako inaantok, di mo naman ako kayang iwanan (charot…iba talaga style mo!), kaya alas dos ng madaling araw ibinigay ko sayo ang binukayo kong OO, yes my dear butiki… napasagot mo rin ako. At gaya ng sabi mo, swerte ako sayo, pumasa ang thesis mo.

Inimbita mo ko sa graduation mo,nahiya ako at sinabi kong may lagnat ako,pero ang totoo nun habang nagmamartsa ka naa mall ako nagsusukat ng high heels na isusuot sa kasal ng kaibigan ko. Pagkatapos ng graduation mo inaya mo na naman akong sumama sa family reunion niyo, sinabi kong may trangkaso ako (ang galing ko mag-alibi). Pero ang totoo ayoko pumunta sa ganun na di ko pa nakikita ang hitsura mo.

Umuwi ka na ng tagum,kinulit kiyta na magkita tayo pumayag ka,kaya nagkataon inutusan ako ni Mama magrocery sabi ko magkita tayo sa foodcourt.Pohteks! dalawang 12oz na baso ng iced tea ang nainom ko pero di ka pa lumalapit sa akin! Panay text lang tayo…pero di ko rin masabi sayo na lapitan mo na ako. inabot ng isang oras na palitan ng text kaya umuwi na lang ako na di ko man lang nakilala kahit dulo ng buhok mo.Nagtext ka uli,sabi mo ingat ako pag-uwi ko at ang ganda ko, kaya nahiya kang lapitan ako.(humaba ng 2 inches ang buhok ko sa text mo na yun kaya kahit pinagtaguan mo ako okay lang napatawad agad kita.)

But, love moves in mysterious ways, ang kaibigan ko kasama mo pala sa trabaho,kaya wala ka ng nagawa nung nakita mo ako. OO aaminin ko, di ikaw ang dreamguy ko… gusto ko ng macho gwapito, tisoy, maputi, matangkad. At ng nakita kita alam ko…wala sayo ang mga qualities na yun. But there is something in you na sayo ko lang nakita sa lahat ng nakarelasyon ko… Sabi nga ni Ryan ang pungat daw ng mata mo habang nakatingin ka sa akin (tama naman siya pakiramdam ko ako’y diyosa habang nag-uusap tayo.) Nang pauwi na ako we shaked each others’ hands… gosh ang lamig ng kamay mo!(napakainit pa naman noon kasi walang aircon dahil brown-out!).

Pagdating ko nang bahay i got a text from you…”Mahal ko,id understand kung hihiwalayan mo na ako after mo ko nakita, but know that since una pa kitang nakita sa chat inlove nako sa iyo” Doon ko nalaman na kaya pala ayaw mo makita kita dahil may takot ka na di ko matanggap kung ano ka. OO di ka kasing gwapo ni Brad Pitt, pero mahal mo naman ako. After that first meeting nagdate tayo.At nagdate pa ng maraming beses. Inabot tayo ng 3months sa pagiging mag-jowa bago ka humawak sa kamay ko.(kasi sabi mo takot ka sa baka sapakin kita at isipin kong napakapresko mo pag bigla kang nanghawak ng kamay ko.) You made me fall for you over again.

Mahal ko, i may not say it as often as you do, but i do love you, and I am thankful that you came into my shattered life. Thanks for giving me a reason to smile again,to dream again and to love again. The world could give me a hundred Brad Pitt, pero never, as in never kitang ipagpapalit sa kanya, kasi in you I found my hearts’ home.

Kaya to you Mahal Ko whatever happens you will always be the only man I’d love this way. You will always be my one and only Butiki(PROMISE)!

Advertisements

3 Comments »

  1. Ang sweet naman! Ang suwerte ni boypren! šŸ™‚

    Comment by Kiko Matsing — October 29, 2007 @ 12:15 am

  2. Iba talaga ang nagagawa ng love, kahit na anong itsura pa yan mapasarat, duling or bungi basta tinamaan ka nikupido SWAK! Congrats kasi mahal na mahal ka ni Butiki šŸ™‚ Ang saya-saya!

    Comment by misyel628 — November 1, 2007 @ 2:22 am

  3. Ka Kiko : Hmmm…sabi ni Butiki tama ka daw…swerte daw siya sa akin kasi lahat daw ng pangarap nya nasa akin na!( hehehe bolero talaga ang butiki ko!) Pero mas swerte ako,kasi sa ugali kong mahirap intindihin napakahaba ng pasensya nya at nakakaya niyang tanggapin mga kagagahan ko.

    MissyMisyel : salamat sa pagdaan dito. Tama ka nga kahit ano pang hitsura nya lab na lab ko siya kasi pinaparamdam niya palagi sa akin gaano ako kahalaga sa kanya.

    Comment by vennisjean — November 1, 2007 @ 5:36 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: