Vennisjean’s Weblog

October 2, 2007

Go to Hell!

Filed under: asar — Tags: — vennisjean @ 10:11 am

    Its’ been 7 going to 8 months since naghiwalay tayo…ang dami mong masakit na sinabi…pati sa pag o-online ko sa MIRc andun ka pero kunwari deadma mo ako…pero ang dami mong satsat na mali-mali naman! Galit na galit ako sa’yo that time…gusto kong burahin ang mataba mong mukha sa mundong ito para mabawasan ang basura ng Pilipinas…mga basurang kagaya mo!

After 7 months bigla kang babalik…mula sa kunwaring pananahimik mo! bigla na lang akong gigisingin ng ‘tangnang text mo tapos sasabihin mong namimiss mo ako…namimiss mo ang pinagsamahan natin!Gago ka pala eh! Ano akala mo sa akin? Tatanga-tanga tulda nung tayo pa? Na kahit ano sabihin mo maniniwala ako? ‘Tangna mo! Bulag at tanga ako dati…pero di na ngayon…kahit maubos pa load mo kakatext na magbalikan na tayo di nko babalik sa impyernong pinanggalingan ko noong tayo pa. Ang kapal pa ng apog mo para sabihing pag naghiwalay kami ng jowa ko andyan ka para saluhin ako?! ****syet mo!

Ang dami mong sinira noong tayo pa…. sinira mo ang pagkatao ko, ang mga paniniwala ko, pati ang tiwala ko sa sarili ko…tapos ngayon sasabihin mo nasabi mo ang mga bagay na ‘yun kasi gulo ang isip mo at asar ka sa akin? Ano ka abnormal wala sa matinong pag-iisip? 26 anyos ka nung sinabi mo ang mga ‘yon! Wag ka na maghugas ng kamay mo!

Tigilan mo na ang pambubulahaw mo…wag mo na isali sa pag text ang jowa ko at sasabihin mo sa kanya na ikaw ang mahal ko at panakip-butas ko lang siya…o mga kaibigan ko para tulungan kang magkabalikan tayo…sabi mo pa sa kanila mahal mo ako? Ulol! isa lang ang kaya mong mahalin! Ang mataba mong sarili na walang ginawa kundi magpakasasa sa pinaghirapan ng magulang mo! Ang kapal ng balat mo!

Advertisements

Create a free website or blog at WordPress.com.