Vennisjean’s Weblog

February 14, 2008

February 14

Filed under: Uncategorized — Tags: — vennisjean @ 11:44 am

Nagising ako ng 5:00a.m., bangon, inat, mumog, hilamos…balik sa kwarto suot ng jogging pants, nagtali ng buhok, suot ng rubber shoes…labas ng bahay stretch uli at nagsimula na akong mag-jogging palibot ng subdivision. By 6:00a.m. nasa harap nko uli ng gate namin pagbukas ko ng gate takbo pasalubong sa akin c Brusco… ang tuta namin, got in, timpla ng kape habang nag-aagawan ng espasyo sa aking pandinig ang  balita sa tv at ang enumeration ng nanay ko tungkol sa mga nagyari sa kanya kahapon. Same old daily early morning routine… pero February 14….

Pagkatapos ko maligo tinanggal ko sa charger ang cellphone ko… nada…ala kahit isang message man lang. kaya balik ako ng opisina ko sa bahay kinuha ang diaryo. 8:00a.m. nasa shop na ako, preparing everything kasi ngayon ako magbabayad ng bill ng kuryente at net connection, kinuha ko uli ang cellphone sa bag ko… nada…ala pa rin kahit isang heart sa screen nya.

Tahimik ang Valentines day ko… bakit? Kasi nagtatampo si Butiki sa akin. Gusto niya magdate kami ngayon…kaso sabi ko since 8:00a.m.-9:00p.m. me klase siya at me vcacant siya na pinkamahaba ang 30 minutes in between some classes…impractical na magdi-date kami. Isa pa uuwi ako ng Asuncion oara maghatid ng feeds ng baboy kasi 14 ang schedule ko kada buwan para dun. Nag-insist si Butiki… kahit daw 10:00p.m. na alng   sabi ko pwede ka naman pumunta ng bahay…pero ayoko lumabas niyan…gusto ko nga sana na matulog ng maaga dahil alam kong mapapagod ako sa byahe pauwi sa probinsya lalo na at magmomotor lang ako (isasakay sa multicab ang feeds na ihahatid ko.). Pero nagtampo pa rin si Butiki….

I admit… eversince nagsimula akong manglalaki never, as in never talaga akong lumalabas pag 14 ng February. If ever I spend it with a guy, I prefer to spend it at home. Magkasama kami, manood ng movie o magvi-video games habang kumukokot ng popcorn at humihigop ng kung anong maiinom na dala niya.I find going out on the 14 to be corny… sorr, alam ko marami ang gusto ng may date sa araw ng mga puso and I respect that… pero di ako komportable lumabas pag Valentines day. Bakit? Kasi di ako mahilig makisabay sa ibang magpartners na hawak-kamay naglalakd sa kung saan-saan ako nagpupunta. Di rin ako sanay na makipagsabayan sa kanila. At di ako komportable na kahit saan ako lumingon puro lovers na naglalambingan ang nakikita ko. Parang sinisilihan ang paa ko at nangangati ako na umalis sa ganung lugar.

Hindi naman sa hindi ako malambing. Touchy-feely type nga daw ako. Pero hindi ako PDA at minsan naiirita ako sa mga nakikita kong sobrang maglampungan sa pampublikong lugar. Parang ung iba kulang na lang maghubad eh. I remember once…nung 18 pa ako… may nakita akong magkasintahan sa park February 14 yun (eh kasama ko mga barkada ko nagro-rollerskating sa skating rink ng magsaysay park) nakahiga na habang nagtutukaan walang paki sa mundo…. ah nakita na namin yung bra nung babae habang nakapasok ang kamay ng lalaki sa loob nun… nilapitan ko sila…sabay sabi “oi magrenta kayo ng kwarto oi….wala kaming plano makakita ng live show dito.” Sabay talikod sa kanila..

Isa pa talaga lang madami ako gagawin ngayon… sana man lang naintindihan yun ni Butiki. Pag di ako naghatid ng feeds sa bukid baka magutom ang mga baboy…paano na yun? magiging malnourished sila at malulugi kami… at ang image niya masisira… sasabihin ng mga estudyante niya na “Si Sir may date…oooiiiiiii…” ayoko naman ng ganun.

For me Valentines day no longer holds the meaning it used to have. Naging sobrang commercialized na ito. Last year nga lang (single po ako that time) eh nagtake-out na alng ako ng pagkain sa Jollibee dahil puno na lahat ng mesa ng mga magkaparehang walang planong tumayo kahit wala na silang pagkain sa mesa dahil naglalambingan pa sila. Mahal ang mga bulaklak kahit sa trade center… ang roses na dati 20.00 lang ang isang bugkos ay nagiging 50.oo na. At kapag nagsuot ka ng pula at mag-isa kang lalakad ay asahan mo nang may susunod sayo at sasabihing “miss available ka?”

Valentines day is special…we grew up knowing its a special day for those people that are inlove.Hindi sa KJ ako. Siguro lang iba ang pananaw ko sa araw ng mga puso. Kasi naniniwala ako na everyday should be hearts day. Butiki…. hala, sige, magpakasawa ka sa tampo mo….

Create a free website or blog at WordPress.com.