Vennisjean’s Weblog

February 7, 2008

Lyndon

Filed under: Uncategorized — vennisjean @ 10:53 am

1997 kami last nagkita ng taong ‘to. Barkada kami sa loob ng isang taon na pag-aaral ng engineering sa AMACC noon. Engineering section A pa kami nung first sem hanggang 2nd sem at dahil magka height at parehong galing sa probinsyamadali kaming naging barkada. Pareho kaming kuripot. At pareho ring di mayaman. Kaya madalas kaming kumakain lang ng mami pag lunch break…mami lang para wala ng malakingbabayaran at madali pa siyang iorder at kainin sa tulad naming 30 minutes lang ang break sa tanghali.

Since madalas kaming magkasama dati nadevelop ako sa kanya. Kami pa nga ang dance partner sa dance troupe an sinalihan namin at lalo naman akong inspired na sumayaw kasi siya ang kapartner ko. Akala ko rin type nya ako…pero mali ako…si Pia pala ang gusto niya…ang sakit…pero smile pa rin ang kagandahan ko. Im a master when it comes to hiding my real feelings ika nga.

Until umalis ako ng AMA. Nakagraduate from a technical course, nagtrabaho, nag-aral ulit. And now eto ns ako….

Fast forward 2007 nagkita kami ni Lyndon sa friendster.  Nag Korea pala siya. Palitan ng messages…telephon at cp numbers…YM. Then umuwi siya ng Pinas.

February 5, 2008 nagkita kami. Nagtext siya na nandito siya saTagum and can we meet. Nagkita kami sa Old Cathedral. Walang nagbago sa kanya.Siya pa rin ang Lyndon na nakilala at nainlaban ko noong kabataan ko. But promise…napatunganga siya when he saw me. An in nakanganga talaga siya…. Bakit? Ang laki na daw kasi ng pinagbago ko. Mahaba na ang brown hair ko na dati baby-china ang style at sobrang itim pa. Slim na daw ako…dati kasi medyo chubby ako… Mas Pumuti ako…dati kasi mahilig ako magbilad sa araw kaya morena ang dating ko. At higit sa lahat babaeng-babae na daw ako… I admit madami talaga ang nag-aakalang tomboy ako dati kasi brusko ako kumilos.

We went out…kwentuhang walang tigil… Suddenly he said… “Alam mo vem alam ko crush mo ko noon eh….” and he smiled at me. “Ya,I know alam mo gusto kita noon…pero si Pia ang gusto mo eh” sagot ko naman.

“Gusto kita pero nakakatakot mainlab sayo gaga!””Dami tayo classmates me gusto sayo…isa pa sa kilos mo mas lalaki ka pa noon kesa akin”, natatawa niyang sabi. Napatanga ako. Ididn’t know me iba pala na me crush sa akin noon…and lalong di ko inaasahan na gusto niyaako that time.

Then out of the blue he bent down his head and kissed me… A full French kiss on the lips… then the kiss ended. “Thank you for letting me kiss you Vem…I dreamt i ever since we were 17, and now nagawa ko rin. Napatanga lang ako… I admit I responded to that kiss. I kissed him back and I know mali kasi may boyfriend na ako. And I know He is already married.

But it was just a kiss…. a kiss, and nothing more.

Advertisements

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: