Vennisjean’s Weblog

November 5, 2007

The Inconsistencies of a Woman

Filed under: Uncategorized — Tags: — vennisjean @ 10:06 am

Ewan ko lang,pero para yatang kadalasang mga babaeng kilala ko ay lukaret,mababaw ang luha o masaya naman ang buhay pero pilit ginagawang complicated. Madalas namang ako ang takbuhan nila pag nawiwindang na ang puso nila sa emosyon o naloloka na sila sa kakaisip ng mga kagagagahan nila. But, dahil kaibigan ko sila di ko naman sila kayang talikuran…kasi ako man minsan ay inaatake ng kagagahan ko at lagi silang nandyan.

Yesterday, 8 a.m.(ang aga noh?) habang nakaharap ako sa pc ko naghahanap ng pwedeng iluto para meryenda(adik ako sa online recipes!) nagtext si Missy, shocked ako sa message niya…. hihiwalayan daw niya si Papa Bear(‘yun ang tawag ko sa boypren niya), “Sis nakipaghiwalay nko ka bear kasi gulo isip ko ngayon,parang I’m falling for Louie na eh!” Shocked ang kagandahan ko!  Bear and Missy just celebrated their One year anniversary last September 18(alam ko pati petsa ha!), tapos wala naman akong naririning na problema nila,kahit nasa malayo sila ngayon sa akin we keep texting and pag bakante sila we talk online. I replied sa text niya “Sis sure ka na ba?think it over,loka wag ka maniwala sa chat di mo pa alam totoong pagkatao ni louie and your saying di mo na itutuloy kasal niyo ni Bear coz you think your falling for a guy that you just met online?Kakaloka ka Sis!”

That afternoon Papa Bear called me….(opo,pati mga jowa ng kaibigan ko sa akin lumalapit pag nawiwindang na ang relasyon nila!) kahit daw cya nagtaka bakit ganun ang nangyari eh kahapon lang daw lalanggamin na sila sa lambingan nila tapos biglang ganun…. and the sad part is di nya alam ang dahilan bakit nangyari yun! So I told him I’ll text Missy and ask her to be online kakausapin ko siya.Gosh! The whole time kausap ko si MIssy 5times tumawag si bear. Finally I got my friend to talk about the real score… Yun pala,inatake ng boredom ang hitad,namiss ang jowa at nang mag online ay may nakitang lalaking ang avatar sa YM ay isang asong Chihuahua…ayun sa tamis ng dila ng lalaking makulit naisp nya agad na nahuhulog na loob niya dun. At least after talking with her natauhan siya….nagkaayos uli sila ni Papa Bear.

Yesterday proved to be a very eye-opening day for me. Doon ko narealize na di lang pala ako ang pinakalukaret na babae sa mundo, kundi marami kami…(mas loka-loka nga lang ako sa kanila nung araw…lie-low na ako ngayon.) Women can be very understanding creatures, pero pag inatake ng insecurity, selos, at PMS they can be really evil(classic example ako!). A woman can love deeply…pero pag kinulang sa atensiyon, ayun…magrerebelde na yan…we can deny what I’m saying right here…pero I should know this, kasi ganun ako dati (well,minsan ganun pa rin ako….).. May ibang babae naman na kahit nasasaktan na sa relasyon nila they still stick to it (tapos panay naman reklamo!), their reason? Kasi they love the guy (kuno!) and that sayang ang relationship!) pero di na sila masaya….

Babae ako….. but I admit that there are times that I sometimes am inconsistent. Inconsistent sa mga plano, desisyon at mga idea ko…. I don’t really think na ang maturity ay nasusukat sa edad, i guess that the maturity that I have now is due to my past experiences and time…..

Advertisements

3 Comments »

  1. sandaang porsyentong IN na IN ako sa entry mo na ‘to. pero PROUD to be a woman pa rin naman ako. yun nga lang..talagang complicated paminsan-minsan.

    Comment by MARU — November 5, 2007 @ 12:04 pm

  2. MIss Maru same here…ang sarap pa din maging babae…pero nag react ang aking si Butiki….di pa daw ako mature…so dapat daw di ko sinabi ung about sa maturity ko…..

    Comment by vennisjean — November 5, 2007 @ 4:09 pm

  3. ouch! tinamaan ako! haha! parehas tayo pag inatake rin ako ng insecurities, selos and PMS ( pre and post haha ) i become cruella de vil…. i dont hate men, i have nuthin against them, but still i dont want to be like them. of course, i have to shave my legs, i get my period, i have mood swings, i am discriminated against, pero gusto ko pa rin maging BABAE. 🙂

    Comment by TRiSH — November 7, 2007 @ 2:48 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: