Vennisjean’s Weblog

November 2, 2007

7 truths (Part 2)

Filed under: Uncategorized — Tags: , — vennisjean @ 12:37 pm

Pangalawang beses nako na-tag nito…pero dahil loves ko ang blog ng nag-tag sa akin sasagutin ko to….kasi madami-dami pang truths about me na di ko pa nasi-share. Kaya Ka Kiko, eto na siya….

  1. Favorite hang-out ko sa bahay namin maliban sa kwarto ko ang banyo…. nakakatulog ako sa bathtub,at pag masama ang loob ko dun ako sa banyo nagkukulong..,kasi mahirap na umiyak sa unan ko,napapahiran pa ng sipon ang unan ko pati kobre-kama pag ngumawa nko diba? Mabuti nang sa banyo para derecho singa at flush…(eeewww noh?)
  2. Paborito ko ang Jolibee Frostblend Strawberry flavor (plugging!). Kahit sinisipon at inuubo nako hihilahin ko si Butiki para lang ilibre ako nun sa Jollibee pag galing kaming trabaho (pati siya adik na rin, kaso nagpapakipot minsan para malambing muna bago ako ilibre).
  3. Paborito kong magbudbod ng powdered chili sa halos lahat ng kinakain ko. Nahawa ako sa mga technician sa shop na parang pinanganak na may kakambal na sili kung maglagay ng sili sa pagkain.
  4. Malakas akong kumain ng kamias na isinawsaw sa asin. Madalas akong tumambay sa ilalim ng puno ng kamias sa tabi ng bahay ng lolo ko. Kahit hanggang ngayon pag umuuwi ako na may bunga ang kamias dun nako tatambay sa ilalim ng puno nun.
  5. Napakalikot ko nung bata pa ako. May peklat ako sa ulodahil natusok ng pako, may sugay ako sa kanang wrist dahil nahulugan ng karit nung nagnakaw ako ng papaya nila lola, madalas ako mahulog sa kabayo na kinukuha ko sa kwadra na walang paalamkasi di ako papayagan nila mama na mangabayo (pero ako lang ang apong babae nila lolo na marunong mangabayo ngayon!)
  6. Paborito kong ulam ang adobong kangkong na may pinatuyong hibe at ginisang ubod ng niyog na sinahugan ng sardinas.
  7. Boyish ako nung bata pa ako, di ako mahilig sa manika at bahay-bahayan…adik ako sa luthang(kawayang maliit ang buho na binabalahan ng binasang papel), Magasin(mas high tech to kasi may magazine na ang bala at papayang binabad sa gabi para makati pag tinamaan ang kalaban), Siyatong(di ko alam ano tagalog nito…sorry), at habulan(yun bang nahuhuli ako ng nanay ko na may ginagawang kalokohan at tatakbo ako ng mabilis kasi hahabulin niya ako…masakit mangurot ng singit yun!)

Yan Ka Kiko ang 2nd Seven truths about me…..salamat sa pagbisita pala dito at pag tag…Muah!!!!

Advertisements

1 Comment »

  1. Uy salamat at gumawa ka pa rin kahit meron ka na pala dati. Anlakas ko pala sa ‘yo! Hehe! Di bale, bawi ako sa’yo next time. Ilibre ko kayo ni bf ng Jollibee Frostblend! 🙂

    Comment by Kiko Matsing — November 2, 2007 @ 4:32 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: