Vennisjean’s Weblog

September 27, 2007

Katakawan ko…

Filed under: lafang — Tags: , , — vennisjean @ 9:28 pm

Alas 3:30 ng hapon ang sarap ng tulog ko sa opisina ng shop nang ipagising ako ng tatay ko….worried to the max ang dalawang boys na kasama ko dito kasi noon lang ako pinagising ng tatay ko habang nagsisiesta ako…paglabas ko sabihin ba naman na uwi tayo bumili ako ng durian…malaki! DURIAN!!! the magic word na kaya kong iwanan lahat,kahit ang jowa ko para lang isang buong durian! ayun nga…dali dali akong umangkas sa motor ng tatay ko para umuwi….pagdating ko ng bahay inilabas agad ng tatay ko ang isang 1gallon container ng ice cream na may lamang durian..(yan ang uso dito ipapabiyak mo sa nagtitinda ang durian at ilalagay mo sa container mo to be sure na masarap yong napilimo at walang sira….free tikim pa!) Queber kung mangamoy utot ang dighay ko mamaya basta lalamon ako ng durian!

8:15 P.M. naisipin kong bitbitin si Junry na katatapos lang maghapunan papuntang plaza para bumili ng wet wipes(yun kasi paborito ko gamitin pag di ako pwede maghilamos) sa Shoppers Plaza…grabeng pang-uuto muna bago pumayag ang pogi na samahan ako…Larga papuntang Shoppers para lang manlumo lang kasi alas otso na pala ang closing time nila…kaya ayun dahil sa promise ko ka Junry lakad kami papunta sa unahan ng shopper…piyesta ang puso ko…bumabaha ang durian(20-40/kilo), mangosteen(20-30/kilo), rambutan(15/kilo) at lanzones(15/kilo)… kaya ayun ang ginawa ko bili ng lanzonez, mangosteen, rambutan at durian…ng maisupot na ang mga ito ay kanya kanya an kaming bitbit ni Junry…kain habang naglalakad…eh paano yan…me McDo….adik ako sa Sundae….di pasok ng dun at bili ng tig-isang sundae cone…paglabas namin tawid kami sa City Hall para bumili ng pritong mani na maanghang….

Habang naglalakad kami pabalik ng shop bitbit ang mga pinamili namin(take note kain while lakad ang trip namin…) nasabi ko sa kasama ko…Jun sarap tumira ng Mindanao noh? Mura lahat dito…. Na sinagot naman niya ng “Kaya mo nasasabi yan kasi ung 100 pesos mo sandamakmak na nabili mo!

Nang datnan ako ng nanay at tatay ko sa shop nakita nila nakapatong sa mesa ko ang halo-halong prutas isa lang nasabi ni Mama….’Nak condensed milk at cream na lang kulang may native halo halo ka na…..LBM ka niyan mamaya!!! Hehehehe!!! Pero bilib sila sa tatag ng sikmura ko….sa dami ng kinain ko (ibulgar ba naman ni Junry kina Mama na sabay sabay kong kinain ang durian.lanzones.rambutan.at mangoosteen with matching mani at sundae!).Pero masaya ako…naisip ko kahit paano nakakatulong ako sa mga nagtitinda dito sa amin…bumibili ako ng mga tinda nila at di junkfoods ang napagtripan ko diba?

“Sana di ma turn-off boyfriend mo sa katakawan mo nak!” ‘Yun lang ang nasabi ng nanay ko sa akin!

Advertisements

Leave a Comment »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: